Kasama po ng eFrancisco Motor Corporation ngayong araw ang mga kinatawan ng Unionbank, Aboitiz Group, Arowana Impact Capital at ADERA Global: Mr. Anton Corro – Unionbank Asset-Backed Lending Head & Aboitiz Chief Cross Selling Officer, Mr. Jujut Enriquez – Unionbank Small and Medium Enterprise Banking Head, Ms. Cathy Casas – Unionbank Senior Vice President and Head of Blockchain, Ms. Mars Silvala – Unionbank Supply Chain Finance Platform Product Manager, Mr. Terry Farris – Arowana Impact Capital Director, Mr. Jay Medina – ADERA Global, Mr. Alvin Maranan – ADERA Global and my son and eFMC CEO Dominic Francisco.

Palinaw po ng palinaw at unti-unti pong nagkakaroon ng linaw ang kinabukasan ng industriya ng jeepney maging ang kinabukasan ng ating mga kasamahan sa industriya na mga manggagawang Pilipino, mga jeepney operator at mga tsuper.
Wag po kayong mag-alala dahil tayo po sampu ng ating mga katuwang sa serbisyo ay walang sawang humahanap ng mga paraan upang mapamura at lalong mapatibay ang makabagong iconic designed na electric Francisco Jeepney na higit pa sa itinakda ng Philippine National Standards, ligtas, kumportable, makakalikasan, subok nang matibay at maaasahan sa pamamasada at, higit sa lahat, abot-kaya.
5 years ago, I mentioned that Blockchain technology is the future. That future is now! And, we are at the forefront together with the best of the best in the space. Ihahatid at ilalapit po natin ang pinakamagandang teknolohiya sa masang Pilipino. 


