TsuperHero Program
FAQ (Frequently Asked Questions)
Magkakaroon po kayo ng Brand New Modernized Francisco Jeepney na sumusunod sa requirements ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno ayon sa Philippine National Standards (PNS) na wala kayong ilalabas na pera at hindi nyo kailangang umutang sa bangko o kaninuman.
Ang programang ito ay para po sa lahat ng ating mga kababayang jeepney operators at tricycle operators. Dalawang kategorya po ng mga operator ng jeepney o tricycle ang maaaring lumahok:
1) May valid na prangkisa ng jeepney o tricycle. Pag sinabi pong valid na prangkisa, dapat po ay sa inyo or sa koopetatiba o korporasyon ninyo nakapangalan ang prangkisa at hindi pa expired.
2) May prangkisa pero hindi sa kanila nakapangalan at may Deed of Sale, hindi pa expired at kasalukuyang bumibiyahe ang lumang jeep o tricycle.
Wala pong bayad maski Piso. Pag may maniningil po sa inyo ng maski magkano upang lumahok sa programing ito, ipag-bigay-alam po ang pangalan sa Jeepney@ElmerFrancisco.org.
Magdownload ng EFI Wallet mula sa Apple App Store para sa iOS/iPhone o sa Google Playstore para sa Android. Magrehistro sa loob ng mobile application at iactive o ienable ang online wallet. Magtext o tumawag sa 09171363901.
Magpagawa ng EFI Merchant Account kay Ponciano Campos, Jr. sa cellphone number na 09171363901 o sa Facebook Messenger para magenerate ang inyong merchant wallet at QR code. Iprint ang QR code at idikit sa jeep ontricycle kung saan madaling masscan ng mga pasahero. Isang unique QR Code ang iaassign kada jeepney o tricycle na pwedeng iprint ng maraming beses para pwedeng idikit sa iba’t ibang bahagi ng jeepney o tricycle na madaling masscan ng mga pasahero.
Tatanggap kayo ng mga pasahero na ang ipambabayad ay EFI Coin gamit ang EFI Wallet. Ito po ang mga EFI Coin na ibinebenta nyo sa mga pasahero nyo ng parang mga trip ticket. Ang halaga ng isang EFI Coin ay katumbas ng Piso (1 EFI = 1 PISO).
Lahat po ng mga miyembro ng FedPAC ay may EFI Wallet kung saan silang lahat ay magiging bagong pasahero nyo. Bukod po sa kanila, magkakaroon din po ng EFI Wallet ang lahat ng mga pasahero nyong mabebentahan ng EFI Coins. Dahil dito ay mapupuno ang mga bakanteng upuan ng inyong mga tradisyunal na mga lumang jeepney o tricycle dahil maaari po silang magbook ng trips in-advance.
Magcoconsign o pauutangin po namin kayo ng 2 million EFI Coins kada jeep o 350,000 EFI Coins kada tricycle. Madami din po tayong mga top-up agents at centers sa lahat ng mga barangay sa buong bansa at parami pa po ito ng parami.
Pwede po kaya wala rin pong mawawala sa inyo dahil ang dati niyong kinikita ay ganon parin. Madadagdagan lang po kayo ng mga pasahero na mga gumagamit ng EFI Wallet.
Magcoconsign o pauutangin po namin kayo 2 million EFI Coins kada jeepney o 350,000 EFI Coins kada tricycle sa EFI Merchant Wallet ninyo na ibebenta nyo sa inyong mga pasahero at ireremit sa amin araw-araw. Pag mabenta nyo na lahat, bibigyan na po namin kayo ng Brand New Modernized Francisco Jeepney o tricycle ng wala kayong ilalabas kahit Piso o utang sa bangko.
25,000 units ng bagong modernized Francisco Jeepeny para sa unang taon at 25,000 kada taon para sa susunod na sampung taon.
Ang kagandahan nito ay dadami po ang inyong mga pasahero dahil kayo po ang ituturo namin para sakyan ng lahat ng mga gumagamit ng EFI Wallet kaysa dun sa ibang jeepney na hindi tumatanggap ng EFI Coins. Iaadvertise din po natin ang inyong jeepney sa www.EFImarket.io na website, sa social media at sa EFI Jeepney Station TeleRadyo.
Maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa inyong jeepney o tricycle dahil electronic o contactless na ang bayad at hindi yung barya na palipar-lipat ng kamay na siguradong hindi naghuhugas. Built-in po o kasama na ang contact tracing ng covid-19 kung saan madali po nating mattrace kung may nakasakay ng mag covid19 sa inyong jeep.
Marami po tayong merchants sa EFI Market at iba pa kung saan pwede rin pong magamit ang EFI Wallet na pamili o pambayad sa mga produkto o serbisyo.
Boss, sa programang ito, hindi po namin kukuhain ang prangkisa nyo. Sa inyo po yang prangkisa nyo pero pwede rin kayong magconsolidate ng mga kasamahan nyo para maging cooperative o corporation. Labas na po kami dun.
Ang TsuperHero Program po ay para matulungan kayong mapalitan ng tunay na modernized jeepney (hindi mini bus na galing ibang bansa) ang lumang jeepney nyo ng sa gayon ang hindi rin mawalan ng kabuhayan o trabaho ang mga manggagawa namin ng mga jeepney na mga kapwa nating Pilipinong manggagawa.
Tayu-tayong mga Pinoy lang din naman po talaga ang magtutulungan sa huli. Bakit hindi pa natin simulan ngayon?
Maski ilan po ay pwede basta may valid na prangkisa at bumibiyahe pa po ang lumang unit.
25,000 units po ng modernized Francisco Jeepney at 100,000 na eTrikes ang nakalaan para dito sa programa sa unang taon at panibagong 25,000 at 100,000 kada taon sa loob ng sampung taon.
Opo, pwede nyo na po maavail ang isa dahil kada 2 million EFI Coins sa jeepney o kada 350,000 EFI Coins sa tricycle po ang target natin.
Hindi po dahil I can’t be in all places at the same time. Kung kakausapin ko po ng isang oras isa-isa ang bawat tao, 24 lang po ang makakausap ko sa isang araw at yan po ay kung hindi na po ako matutulog. Aabutin po ako ng 12,268 years bago ko makausap ang bawat Pilipino. Kaya po gumagawa tayo ng sistema na automated na halos lahat ng simple tasks ay may key persons na naghahandle ng mga complex tasks para mas marami po tayong matulungan maging operator, driver o pasehero.