Bigornia: Tayo naman, Elmer Francisco. Ready? Sir?
Francisco: Yes.
Bigornia: Okay. Go.
Francisco: Sorry. ‘Di ko makita eh.
Bigornia: Galing ka sa pamilya ng jeepney manufacturers, ano ang puwede ninyong mai-ambag sa ating mga jeepney drivers?
0:02:58.8
Francisco: Ang pinakamalaking problema nila is ‘yung pambili. So, dun nang – dun tayo nagbi-bridge. Nagpapa-boundary hulog tayo para hindi sila mahirapang bumili ng bagong dyip.
Bigornia: Ayon sa’yo, transport groups ang nagkumbinse sa iyong tumakbo sa pagka-senador. Naisip niyo bang mag-party list?
Francisco: Naisip pero ang problema kapag naman nagpasa ng batas sa ano, sa Kongreso, kailangan ng counterpart sa Senado. Kailangan daw nila ng ano, boses sa Senado na nakakaintindi.
Bigornia: Sa palagay mo, angkop sa Pilipinas ang Federalism?
Francisco: Yes.
Bigornia: Bakit po?
Francisco: Unang-una, ako sinasabi ko para sa trabaho kasi with Federalism, magkakaroon ng mas malaking budget ang mga LGU para i-develop ang mga ano, infrastructure. Sa gayon, makakagawa tayo ng napakaraming trabaho sa mga probinsiya at hindi lang sa Metro Manila.
Bigornia: Pabor ka sa Charter Change, Sir?
Francisco: Yes, constitutional convention.
Bigornia: Partikular, anong gagawin mo?
Francisco: Federalism, ‘yan ang pinaka-importante sa lahat.
Bigornia: Mm hmm. Pabor ka ba na tanggalin ang term limit sa mga halal na opisyal?
Francisco: Hindi.
Bigornia: Bakit po?
Francisco: Dahil napakaraming mga Pilipino na ano, talented tiyaka gustong magsilbi sa bayan so hindi puwedeng ano, parati na lang sila.
Bigornia: Ang stand mo po sa death penalty?
Francisco: No.
0:04:09.3
Bigornia: Bakit po?
Francisco: Para sa akin, napakahalaga ng buhay ng tao. Hindi pupuwede na ano, na patay ka lang nang patay.
Bigornia: Mm hmm. Papaano po ‘yung mga mandarambong?
Francisco: Mayroon tayong ano, justice system para diyan. Ikulong nang habambuhay pero huwag nating patayin.
Bigornia: ‘Yung mga SALN po, dapat po bang ibuyangyang ‘yan sa bayan?
Francisco: Dapat.
Bigornia: Bakit po?
Francisco: Dapat ipakita sa lahat ng tao para malaman natin kung saan nanggagaling ‘yang pera ng mga ano natin, public officials, kung nagnanakaw ba sila o hindi.
Bigornia: Para sa inyo, mayroon po bang tamang ginawa o pabor na ginawa ang Pangulong Duterte?
Francisco: Yes, Build, Build, Build.
Bigornia: ‘Yun po. Okay. ‘Yung mga Chinese, dapat po bang i-deport?
Francisco: Ah, kung iligal sila eh dapat lang dahil kailangan nating protektahan ‘yang mga manggagawang Pilipino. Ang para – ang trabaho sa Pilipinas dapat para sa Pilipino.
Bigornia: Suspension po ng TRAIN Law?
Francisco: Dapat.
Bigornia: Bakit po?
Francisco: Dahil nakakataas ‘to ng ano, ng inflation. Katulad ng…
[Bell rings]
Francisco: …sinabi ko kanina, kailangan nating ano, itigil ‘yung…
Bigornia: Thank you.
Francisco: …pag-eeksperimento.